Pulis, Patay; 6 Pa Kritikal sa Banggaan

NASAWI ANG isang pulis nang aksidenteng banggain ang kanyang sinasakyang motorsiklo ng isang sasakyan sa may highway ng Barangay Maasin sa Zamboanga del Norte.

Kinilala ang biktima na si PO1 Gilbert Sabijon Jebulan, residente ng Liloy ng nasabing lalawigan.

Nakadetine ang natu-rang pulis sa 2nd Regional Public Safaety Company sa Pagadian City.

Samantala, kritikal naman ang anim pang biktima matapos ding magsalpukan ang isang motorsiklo at isang tricycle sa Barangay Ayala ng lungsod.

Batay sa pagsisiyasat, natanggal ang isang gulong ng tricycle, kung saan nakasakay ang apat na biktima kaya nawalan ito ng kontrol at dumiretso sa kabilang lane ng kalsada at hindi naman kaagad napansin ng motorsiklong paparating na nakasakay ang dalawang biktima kaya nagsalpukan ang dalawang sasakyan.

Sa lakas ng pagkaka-salpok, tumilapon ang mga sakay nito na nagresulta sa malulubhang sugat sa iba’t ibang parte ng kani-lang katawan.

Base sa ulat ng mga awtoridad, ang tricycle ang may kasalanan sa nangyaring insidente at saka-ling makaka-recover ang driver nito ay sasampahan nila ito ng kaukulang kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.