Pulis, Patay; 5 pa Sugatan sa Banggaan ng Motorsiklo at Traysikel

BINAWIAN NG buhay ang isang pulis, habang lima naman ang sugatan sa banggaan ng motorsiklo at traysikel kagabi sa kahabaan ng national highway sa Barangay Pagdalagan Norte, San Fernando, La Union.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, namatay habang ginagamot sa Ilocos Training and Regional Medical Center si PO1 Prudence Trinidad, 33 anyos, na nakatalaga sa La Union Police Provincial Office, at residente ng nasabing barangay.

Nabatid na binabaybay ni Trinidad lulan ng kanyang motorsiklo ang kalsada patungo sa timog na direksyon kasama ang angkas nitong si Reynato Estrada nang bigla na lamang bumangga ang kanilang sasakyan sa kasalubong na traysikel na may tatlong pasahero at minamaneho ni George Huliganga, Jr., 42 anyos, residente ng Barangay Dalipaoen, sa bayan ng Naguillan.

Samantala, patuloy namang nilalapatan ng lunas sa Regional Medical Center ang mga sugatang biktima.

Kaugnay nito nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang mga pulis, kung sino ang responsable sa naganap na insidente.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.