Pulis, Patay; 3 Sugatan sa Aksidente sa CamNorte

PATAY ANG isang kasapi ng Philippine National Police (PNP) habang sugatan ang tatlo niyang kasama matapos maaksidente sa Maharlika Highway, Barangay Masalong sa Labo, Camarines Norte.

Dead on arrival si PO2 Bryan Balbin habang sugatan ang kanyang mga kasama na sina PO2 Lemuel Tatlonghari, PO2 Jospeh Rubio at isang hindi pinangalanang babae.

Sakay ang apat na biktima ng Hyudai Sedan na may plakang IUP 552.

Lumalabas sa pagsisiyasat, binabaybay ng mga biktima ang nasabing highway nang mawalan ng kontrol dahil sa napakalakas na ulan at madulas na kalsada.

Dito na bumangga ang kotse sa kasalubong na dump truck na may plakang SHE 420.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.