Pulis, Natakasan ng Preso

NALAGAY SA balag ng alanganin ang isang pulis matapos matakasan ng preso sa Valenzuela City.

Dinis-armahan si SPO1 Alfonso Jasmin Jr. ng Valenzuela City Police matapos matakasan ni Randy Endano na may kasong Frustrated Homicide at Theft.

Lumalabas na noong Mayo 13, alas-6 ng umaga, dumaing na nahihilo si Endano habang nasa selda ng nasabing police station at hiniling kay Jasmin na madala sa ospital upang matingnan.

Isinakay ni Jasmin si Endano sa mobile patrol na dala ni PO1 Roland Tobello subalit habang nasa daan ay muling nag-request si Endano na kung maaari ay madalaw ang may sakit na ina sa Sitio Sulok, Ugong ng lungsod.

Muling pinagbigyan at pagsapit sa nasabing lugar ay sinamahan ni Jasmin ang nakaposas na si Endano subalit makalipas ang ilang sandali ay bumalik si Jasmin sa mobile at sinabi kay Tobello na nakatakas si Endano.

Tumulong si Tobello sa paghahanap subalit tuluyan nang nakapuga si Endano na naging dahilan upang kasuhan si Jasmin ng Infidelity in the Custody of Prisoner Through Negligence.

(MARY H. SAPICO) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.