Pulis, Nang-holdap at Nang-carnap

SWAK SA balde ang isang  suspendidong pulis habang pinaghahanap naman ang isang hindi nakikilalang kasama makaraang ireklamo ang mga ito ng robbery w/carnapping ng isang negosyante matapos holdapin at tangayin ng mga suspek ang sasakyan at malaking halaga ng pera ng biktima , iniulat ng  Caloocan City Police kahapon ng umaga.

Kinilala ni Caloocan City Chief of Police Senior Supt. Rimas Calixto ang naarestong suspek na si PO2 Herminio Frias, 34, ng # 125 J. Sales St., Brgy. 100 ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap naman sa kasalukuyan ng mga elemento ng nasabing himpilan ng pulisya ang isang hindi nakikilalang kasamahan ng suspek na pulis.

Samantala, ang nag-

reklamong biktima laban sa dalawang nasabing suspek ay nakilalang si Robert Galon, negosyante, ng # 27 Palon St., Brgy. 70, Caloocan City.

Base sa ulat ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Caloocan City Police Station, dakong alas 4:15 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa kahabaan ng Francisco St., Brgy. 70.

Nabatid na kasalukuyang binabagtas ng biktima ang nasabing lugar sakay ng kanyang Mitsubitshi Montero nang harangin ito ng dalawang suspek at tutukan ng baril kasabay ng pagdedeklara ng holdap.

Sa puntong iyon, sapilitan umanong kinuha ng suspek ang pera ng biktima na nagkakahalaga ng P100,000 at pagkatapos ay tinangay pa ang nasabing sasakyan at saka mabilis na tumakas.

Kaagad namang nagsadya ang biktima sa nabanggit na himpilan ng pulisya at ini-report ang naganap na insidente kung saan ay agaran namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto kay Frias.

Ang nasabing sasakyan at pera ng biktima ay hindi na narekober na pinaniniwalaang natangay ng kasama ni Frias.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.