Pulis, nanakal ng traffic enforcer

SWAK SA KULUNGAN ang isang pulis matapos itong hulihin ng kanyang mga kabaro makaraang sakalin nito ang isa sa dalawang traffic enforcer nang sitahin ng mga huli ang isang truck van na ikinagalit ng una kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Nakapiit sa detention cell ng Caloocan Police at nahaharap sa mga kasong Illegal Possession of Firearm, Physical Injuries, at Resisting Arrest sa Caloocan City Prosecutor’s Office ang suspek na si P03 Marlon Quitulig y Canlas, 37, may-asawa, naka-assign sa PCP-2 Malabon Police.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng North Diversion Road, Brgy. 154, Malolos Ave., Bagong Barrio, Caloocan City.

Sa reklamo ni Arturo Tambolero, Jr., 51, may-asawa, traffic enforcer ng Department of Public Safety Traffic Management (DPSTM) Caloocan City ng # 21 Milagrosa St., sinita nila ang isang truck van dahil sa violation na “No Entry sign” na may plakang RAF-740 na minamaneho ni Jhayvee Autencia.

Nang hingin ni Tambolero ang lisensiya ni Autencio, ay bigla na lamang dumating si Quitulig na lango sa alak at nilapitan nito ang una saka nagsalitang “Anu ba iniistorbo nyo ang pag-inom ko ah.”

Magpapaliwanag pa sana si Tambolero, subalit sinakal ito ni Quitulig at tinakot sabay labas ng dala nitong baril na kalibre .45.

Sa takot ng biktima ay agad itong humingi ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek sa kabila ng panlalaban pa nito sa kanyang kabaro.

Nadiskubre rin na ang dalang baril ni Quiltulig ay hindi niya service firearm at nadiskubreng hindi lisensiyado o walang kaukulang papeles. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Pulis, nanakal ng traffic enforcer

  1. Ang mga pulis ngayon puro tarantado na, lalo na yung mga PO1 hanggang PO3. Puking ina ako kalabanin ng mga hayup na pilis na yan sigurado may kalalagyan sakin yun. Di pa sila nagsasalita nilalangaw na yung utak nila sa semento!

Leave a Reply

Your email address will not be published.