Pulis, nambugbog dahil sa nawawalang panabong

CEBU CITY – INIREKLAMO ang isang pulis matapos nitong dinampot at binugbog ang isang lalaki sa Brgy. Poblacion, Talisay, Cebu.

Kinilala ang biktima na si Ronilo de Jesus, 27, residente ng nasabing lugar.

Dumulog umano sa tanggapan ang pamangkin ng biktima matapos tina-ngay ang tiyuhin nito ng pulis na si PO1 Cleo Paz Bunhok, na nakadestino sa Cebu City Police Office (CCPO), ayon kay SPO1 Nestor Kanlubo, desk officer ng Talisay City Police Station.

Dagdag pa ng pulis, nasa bahay lang umano nito ang biktima nang bigla na lamang dumating ang suspek at ang kapatid nito at dinampot ang biktima patungo sa kanilang bahay. Pagdating umano sa bahay ng suspek, doon na pinaggugulpi si de Jesus.

Sinasabing pinaghinalaan ng pulis ang biktima na siyang nagnakaw ng kanyang panabong na manok. Nang makabalik ang biktima sa kanilang bahay ay isinugod ito sa ospital para lapatan ng lunas.

Hindi naman itinuloy ng biktima ang pagsampa ng kaso laban sa pulis matapos silang magkaareglo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.