Pulis, nag-init sa seksing police trainee

 

NASA HOTWATER NGAYON ang isang pulis nang ireklamo ito ng sexual harassment ng police trainee sa Baguio City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang pulis na nahaharap sa kasong administratibo at tangkang panggagahasa na si PO3 Winston Tingbawne Litilit, may asawa at training staff ng Baguio City PNP sa Teacher’s Camp.

Sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang ‘Love”, 28 anyos at isang police trainee, pinilit umano siya ni Litilit na makipag-inuman sa kanila kasama ang ilan pang trainee noong gabi ng Hunyo 14 sa Teacher’s Camp.

Makaraan ang drinking spree, dinala umano ng suspek ang biktima sa isang bar sa Bokawkan Road at doon ipinagpatuloy ang kanilang inuman.

Sinabi ng biktima na hindi siya nakatanggi sa pulis dahil isa ito sa kanilang mga trainor.

Dahil sa epekto ng alak, isinakay ng suspek ang biktima sa isang taxi at dinala ito sa isang motel sa Camp 7, Kennon Road.

Sa salaysay pa ni Love, mula sa loob ng taxi hanggang sa loob ng hotel ay tinangka ng suspek na hipuan ang maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Gayunman, nakapanlaban ang biktima bago pa man siya maipasok sa motel ng suspek.       (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.