Pulis, Nadekwatan ng mga Side Mirror

NADEKWATAN NG MGA side mirror ang pulis na nakatulog sa loob ng kanyang sasakyan habang nakaparada sa tapat ng kanilang bahay ng dalawang hindi pa nakikilalang mga lalaki sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si PO3 Anthony Herrera, 38, ng Jacinto St., Caloocan City.

Sa ulat, ala-1 ng umaga, nakatulog ang biktima sa loob ng Isuzu Sportivo habang nakaparada sa tapat ng kanilang bahay na nagising nang maramdamang umuuga ang sasakyan.

Pagmulat ng mata ng pulis ay nakitang baklas na ang mga side mirror na nagkakahalaga ng P10,000 at bitbit na ng mga suspek na papatakas sakay ng tricycle (3607-UA).

Hinabol ng pulis ang mga suspek at nang aabutan na ay huminto ang mga suspek at nagpulasan ng takbo at iniwan ang tricycle habang bitbit ang mga side mirror.

Inaalam na ng mga pulis kung kanino ang nasabing tricycle at malaman kung sino ang mga sakay na kumuha ng mga side mirror sa biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.