Pulis na pumatay sa mag-asawa, habambuhay na kulong

HABAMBUHAY NA PAGKABILANGGO ang naging hatol ng Valenzuela Regional Trial Court (RTC) laban sa isang pulis dahil sa kasong pagpatay sa isang mag-asawa at malubhang nakasugat sa kanilang anak sa Malanday ng nabanggit na lungsod 11 taon na ngayon ang nakalilipas.

Si SPO1 Fedirico Patag, 50 ay hinatulan na mabilanggo  ng habambuhay ni RTC Jugde Nena Santos ng RTC Branch 171 apat na araw matapos na maaresto ng mga elemento  Anti-Organized Crime Division (AOCD) operatives of the Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sinamahan si Patag sa loob ng detention cell ng mga miyembro ng CIDG makaraan hatulan ito ng hukuman ng habambuhay na pagkabilanggo.

Bago hatulan ang akusado ay nagtamo ito ng mga sugat sa bibig nang isa sa mga nakaligtas ay suntukin ang nasabing pulis matapos na magkita ang mga ito  sa lobby ng korte.

Magugunita, sinabi ni CIDG Director, Police Chief Superintendent Samuel D Pagdilao Jr., ang mga operatiba ng AOCD sa pangunguna ni Police Senior Superintendent Ro-nald Estilles ang nakahuli kay Patag na may alyas na “Juan Tanio”, 50, at dating miyembro ng Valenzuela Police at residente ng Barangay Tambulilid, Ormoc City.

Si Patag ay nakatala bilang number 10 sa Metro Manila at no. 2  sa Northern Police District most wanted criminal, wika pa ni Pagdilao.

Naaresto si Patag ng mga ope-ratiba ng CIDG noong nakalipas na April 15, 2011 sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Judge Floro P. Alejo ng National Capital Judicial Region, Regional Trial Court Branch 171, in Valenzuela City kung saan ay hindi pinayagang makapaglagak ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan.  (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.