Pulis na nanggahasa sa masahistang African, kinasuhan na

SINAMPAHAN NA NG kaso ang pulis na umano’y nanggahasa sa isang massage therapist na South African sa mismong police station sa San Juan, Manila.

Sa ulat ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CID), inihain na sa San Juan City Prosecutor ni SPO2 Helen dela Cruz, officer on case, ang nasabing rape case.

Sa reklamo ng biktimang si Erika (hindi tunay na pangalan), misis ng isang seaman, nagpamasahe umano sa kanya ang suspek na si PO1 Menardo Abbang Jr. noong October 24 sa mismong police station.

Sa kasagsagan ng massage therapy, may isang lalaki na tumulak  sa biktima dahilan para bumagsak ang katawan sa katawan ni Abbang.

Dito ay sinimulan nang lamutakin ni Abbang ang dibdib ng biktima habang ang ‘di nakikilalang lalaki ay hinipuan na rin siya na nauwi sa umano’y panggagahasa sa kanya ng pulis at ng hindi nakikilalang lalaki.

Kinabukasan (October 25), nang isailalim sa pagsusuri ang biktima sa Crime Laboratory, nagpositibo na may hymenal tags at redness sa maselang bahagi nito na senyales na nagalaw ito o nagkaroon ng sexual abuse.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Pulis na nanggahasa sa masahistang African, kinasuhan na

Leave a Reply

Your email address will not be published.