Pulis na nakapatay ng lalaki, sumuko na

SUMUKO NA sa kanyang mga kabaro ang pulis na bumaril at nakapatay sa nakatalong lalaki sa loob ng restobar sa Malabon City, Huwebes ng gabi.

Nakilala ang pulis na si SPO1 Nonoy Calipay, nasa hustong gulang, ng Malabon Traffic Police.

Sa ulat, alas-11 ng gabi nang barilin ni Calipay ang biktimang si Jimmy Sayson, 40, sa tapat ng Nomo Nomo Restobar sa P. Aquino St., Tonsuya ng lungsod.

Nabatid na nakaalitan ng biktima ang suspek sa loob ng nasabing bar na naging dahilan upang magbayad ng chit at lu-mabas na ang huli.

Kausap ng suspek ang isang GRO ng restobar nang lu-mabas ang biktima at muling kinumpronta ng huli ang una.

Sinabihan pa ng biktima na, “Hindi mo ba ako kilala, gusto mo paluhurin kita sa asin?” ang suspek bago sinampal ni Sayson si Calipay na bumunot ng baril bago pinutukan sa batok ang una na naging dahilan ng agad na kamatayan.

Matapos ang insidente ay tumakas ang pulis sakay ng motorsiklong may nakalagay sa gilid na ‘Donated by Len-len Oreta’.

Kahapon, napilitang sumuko sa mga kabaro si Calipay at ngayong Lunes ay nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa piskalya.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.