Pulis na Inakusahan na Nang-Rape sa Dalagita, Umiiyak sa ‘Trial By Publicity’

HINDI MAIWASAN NA mapaiyak ng isang pulis na inakusahang nanghalay sa 17-anyos na dalagita, ang ginagawa umano sa kanyang ‘trial by publicity’.

Nakipag-ugnayan sa telepono sa may akda si SPO1 Joselito Tayag, nakatalaga sa District Special Operations Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) at inihayag ang kanyang panig.

Mahigpit na pinabulaanan ni Tayag na hindi niya hinalay si Eloisa Frias, pansamantalang nanunuluyan sa Tulingan St., Building 1, Libis Espina St., Barangay 16, Caloocan City.

Kwento ni Tayag, naging “striker” ng DSOU si Frias noong October 4, 2011. Ninakaw ng dalaga ang kanyang cellphone at ibinenta sa isang babae na malapit sa tinutuluyan ng dalagita.

May nakapagsabi kay Tayag na nagtatrabaho bilang guest relation officer (GRO) ang dalagita sa Audida’s Place Beergarden na pag-aari ni Emily Audida Durado at pinuntahan ito ng pulis hanggang sa mabawi ang cellphone. Hindi kinasuhan ni Tayag ang dalagita dahil menor de edad ito.

Kinabukasan, nagulat si Tayag nang mapanood nito sa TV na siya ay nahahabla na ng kasong rape.

Sa reklamo ng biktima, hinalay umano siya ng pulis sa loob ng DSOU noong Oktubre 9, 2011, dakong alas-9 ng gabi.

Nabatid na si Emily Durado ay ‘Mamasan’ ng dalagita at kasa-kasama sa pag-aayos ng demanda, sa halip na ang mga magulang ng huli na nasa Bulacan. Mismong si Durado rin ang pursigido na masampahan ng kaso si Tayag. Minsan nang ni-raid ng DSOU ang beergarden ni Durado.

Umaasa si Tayag na makuha ang kanyang panig, lalo na sa GMA-7 na siyang nag-ere sa kanyang kaso.

Aniya, nagpapasalamat siya sa kanyang mga kaibi-gan, pamilya at mga kaanak na hindi naniniwala sa alegasyon sa kanya.

Sinampahan na ng kasong Rape si Tayag sa Women’s and Children’s Concerned Desk at Administrative Case sa Internal Affairs Office ng Caloocan City Police Station noong Oktubre 12, 2011.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.