Pulis na Arrest Warrrant, Arestado

ISANG MIYEMBRO ng PNP ang inaresto ng kanyang mga kapwa pulis matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest sa kasong two counts ng frustrated murder na may P400,000 inirekomendang piyansa ng korte.

Inaresto si P01 Benjamin Ignacio Mohammad, habang naka-duty pa ito sa kampo ng PNP sa may Camp Batalla, Cawa-Cawa sa Zamboanga City.

Naka-assign si Ignacio sa Regional Public Safety Battalion (RPSB-9) ng Police Regional Office (PRO-9).

Napag-alaman mula sa hepe ng Zamboanga City police station 6 na si C/Insp. Elmer Acuna na may kaugnayan umano ang inilabas na warrant of arrest laban sa suspek dahil sa nangyaring kaguluhan sa isang lugar sa may Barangay Tetuan sa lungsod ilang buwan na ang nakakaraan.

Sa naturang pangyayari, aksidente umanong nabaril ng naarestong pulis ang dalawang lalaki na siyang nagsampa ng kaso laban dito.

Nabigla naman ang pulis sa pagkakaaresto sa kanya dahil nagkaroon na umano sila ng areglo at binayaran pa niya ang dalawang biktima. Liban dito, nangako rin ang mga ito na hindi na nila itutuloy ang pagsampa ng kaso sa korte.

Sa ngayon, nakikipagsiksikan muna ang nahuling pulis sa mara-ming mga sibilyan na nakakulong din sa selda ng pulisya hanggang hindi pa nito nababayaran ang inirekomendang piyansa sa kanya ng korte.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.