Pulis, kulong sa video karera

ISINELDA ANG isang bagitong pulis matapos tangkaing kunin ang kanyang video karera na nakumpiska ng mga kabaro sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang pulis na si PO1 Ferdinand Adap, 27, nakatalaga sa Navotas Police Station at residente ng San Francisco St., Karuhatan, Valenzuela City.

Batay sa ulat, alas-12:30 ng tanghali, nakatanggap ng reklamo ang mga pulis hinggil sa video karera sa Bagong Kaunlaran, Paso de Blas ng lungsod na naging dahilan upang res-pondehan at nakumpiska ang isang video karera machine.

Dinala ang video karera machine sa Police Community Precinct 1, kung saan ala-1:30 ng hapon ay nagpunta si Adap at gustong mabawi ang makina.

Dahil dito, dinakip si Adap at sinampahan ng kasong illegal gambling.    (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.