Pulis, kulong sa pamamaril sa dancer

KULONG ANG isang pulis matapos sapakin at barilin ang kalugar na dancer habang naglalakad ang huli sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si PO1 Morris Harris Marcelo, 23, nakatalaga sa Regional Public Safety Batallion at residente ng L. R. Yangco St., Navotas East ng lungsod.

Inoobserbahan naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa likod si Dennis Obaldo, 26, at kalugar ng suspek.

Base sa ulat, dakong alas-10:20 ng gabi, naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang lapitan at sapakin ng suspek.

Tumakbong papatakas ang biktima subalit hinabol at pinaputukan ng suspek na naging dahilan upang dalhin sa JRMMC.

Nadakip naman ng mga kabaro ang suspek kung saan inaalam na ang pinag-ugatan ng insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.