Pulis, kulong sa pagwawala dahil sa pedicab

 

SWAK SA KULUNGAN ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) nang arestuhin ito ng kanyang mga kabaro makaraang magwala sa kanilang lugar at manutok ng baril dahil sa nawawalang pedicab nito kahapon ng hating-gabi sa Navotas City.

Ang suspek na nakapiit sa detention cell ng Navotas police at nahaharap sa mga kasong Alarm and Scandal, Attempted Homicide at Trespass Dwelling ay nakilalang si P02 Joefrey Leonilo, 37, may-asawa, naka-assign sa Southern Police District (SPD), ng Policarpio St., Brgy. San Jose, Navotas City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:30 ng hating-gabi nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Bago ang insidente, nalaman ni Leonilo na nawawala ang kanyang pedicab at isang Raymart Depulco, 17, kapitbahay ng una ang kanyang pinagbintangan na kumuha.

Nang malasing ang suspek ay sinugod nito si Depulco sa loob ng bahay sabay tinutukan ng baril at walang habas na nagpaputok.

Agad namang humingi ng tulong si Depulco na naging dahilan ng pagkakadakip kay Leonilo.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.