Pulis, Kulong Nang Putukan ang Gulong ng Nakatalo

SWAK SA kulungan ang isang pulis nang putukan ang gulong ng motorsiklo ng lalaking nakatalo dahil late ang hulog ng una sa kinuhang motorsiklo sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Nahaharap sa kasong Malicious Mischief at Illegal Discharge of Firearm si PO2 Emmanuel Amutan, 37, nakatalaga sa Intelligence and Investigation ng Quezon City Police District at residente ng 4th Avenue, Caloocan City.

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga, nakatalo ng suspek si Gil Byron, OIC ng Sinski Motor Shop sa 10th Avenue ng lungsod sa tapat ng nasabing shop hanggang sa magbunot ng baril at putukan ni Amutan ang likuran gulong ng motorsiklo ni Byron.

Matapos ang insidente ay sumuko sa mga kabaro si Amutan at sinampahan ng mga nasabing kaso.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.