Pulis, Kinasuhan sa Panunutok ng Baril

IPINAGHARAP NG kasong kriminal ang isang pulis makaraan umanong tutukan ng baril ang isang tricycle driver dahil sa matagal na alitan sa pagitan ng pamilya ng suspek at ng biktima sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Ang suspek na ipinagharap ng kaso ng panunutok ng baril ay nakilalang si SPO1 Ramil Recasio, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Sub-Station 1 ng Caloocan PNP at residente ng M. Ponce St., Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod.

Samantala, ang biktima na nagreklamo laban sa suspek ay nakilalang si Lito Rarugal, 45, may-asawa, tricycle driver at naninirahan sa # 22 Adelfa St., Bagong Barrio.

Base sa ulat ni PO2 Ramil L. Bautista, ng SIDMB ng Caloocan City Police at may hawak ng kaso, bandang alas-5:30 ng umaga kahapon nang maganap ang panunutok ng baril sa M. Ponce St.

Batay sa reklamo ni

Rarugal sa pulisya, kasalu-kuyang naglalakad siya kasama ang dalawa niyang kaanak nang bigla silang haragin ng suspek na umano ay amoy-alak.

“Agad po akong kinapkapan ni Recasio at nang wala siyang makapkap ay dali-daling umalis at nang magbalik ay may dala nang baril at itinutok sa akin at winika ang katagang ‘papatayin kita’ na nag-ugat umano sa matagal nang alitan,” ayon pa kay Rarugal.

Napag-alaman pa sa ilang residente, sa tuwing malalasing umano ang suspek ay lagi itong nanunutok ng baril sa bawat kanyang kinaiinisan at maraming residente sa kanilang lugar ang may reklamo laban sa nasabing pulis sa kanilang barangay.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.