Pulis, Kalaboso sa Pangugulpi sa Dalagitang Anak

KULUNGAN ANG kinahantungan ng isang kasapi ng PNP matapos siyang ireklamo ng kanyang mismong misis ng pagmamaltrato sa kanilang 15-anyos na dalagitang anak sa Zamboanga City.

Sa ulat mula ng Zamboanga City police station 4, kinilala ang suspek na pulis na si PO3 Ernesto Salvador Falcasantos na naka-assign sa Sangala Police station 4 ng Zamboanga City Police Office.

Base sa nagrereklamong misis na kinilalang si Julinette Salvador Chavez, 42, bago nangyari ang insidente, nag-away umano silang mag-asawa sa kanilang bahay sa may Zone 1, Calle Real, Barangay Mercedes sa lungsod.

Sinubukan umano silang awatin ng kanilang dalagitang anak kaya nagalit ang kanyang mister at nabalingan ito ng galit ng salarin.

Depensa ng suspek, nagalit umano siya sa kanilang anak dahil sa pakikialam nito sa away nilang mag-asawa kaya nagawa niyang saktan ang dalagita.

Samantala, boluntaryo ring sumuko sa istasyon ng pulisya ang salarin at nakatakdang isailalim sa inquest proceedings dahil sa kasong violation of RA 7610 o Violation Against Women and Children.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.