Pulis, Kalaboso sa Extortion

ISANG PULIS na inireklamo ng extortion ang dinampot ng kanyang mga kabaro sa isinagawang entrapment operation sa isang restaurant sa Brgy. San Jose, Antipolo City, kamakailan.
Kinilala ni P/Supt. Manuel Placido, hepe ng Antipolo City Police, ang suspek na si PO3 Harold Solano Pulero na nakatalaga sa Highway Patrol Group (HPG) sa Camp Crame.
Dinakip si Pulero matapos itong ireklamo ng isang tinukoy na Gng. Robles, 62, na umano’y kinokotongan ng P30,000 ni Pulero para sa kanyang certificate of non-recovery of motor vehicle.
Nag-ugat ang nasabing reklamo matapos na makarnap ang sasakyan ni Robles noong nakaraang taon at kaila-nganin nito ng nasabing certificate para sa insurance claim.
Samantala, naaktuhan naman ng mga tauhan ni Placido na tinatanggap ni Pulero ang halagang P30,000 na nakasilid sa isang envelope sanhi upang dakpin siya ganap na alas-9 ng umaga.
Sa ngayon, ang salarin ay nahaharap sa kasong Robbery Extortion.
(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.