Pulis, Inirereklamo sa Tupada

IDINADAING NG mga residente sa Dagat-Dagatan ang isang sinasabing “untouchable” na pulis na umano ay nag-o-operate ng tupadahan na pinoproteksiyunan ng ilang tiwalang pulis sa Northern Police District (NPD) at isang barangay chairwoman.

Ang idinadaing ng mga residente sa Rose St., Brgy. 8, Dagat-Dagata, Caloocan City ay si PO1 Cris Mesina na nakatalaga sa Camp Crame na nagpapatupada umano sa kanilang lugar.

Ayon sa mga residente ng nasabing lugar, matagal na umano nilang inirereklamo si PO1 Mesina sa tanggapan ng NPD at kay Barangay 8 Chairwoman Vicky Madlangsakay subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi umano inaaksiyunan ang kanilang reklamo.

Sinabi pa ng mga residente, tuwing umaga hanggang gabi ng araw ng Sabado at Linggo ay nakabubulahaw ang mga apisiyunado ng sabong at nakasasagabal pa sa mga daanan ng tao.

Idinadaing pa ng mga residente na ang kani-kanilang mga kabataang anak ay natututo nang magsabong na kung walang ipamusta sa sabong ay natututo nang magnakaw o kaya ay mangholdap.

Ang mga residente sa nasabing luygar ay hindi na umano makatulog at makapagpahinga sa tuwing may pasabong si PO1 Mesina dahil sa malakas na ingay ng mga sabungero.

Nanawagan ang mga nakatira sa Rose St., Barangay 8 kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri na gawan ng aksyon ang kanilang reklamo.

(ROMAN MAGPOC)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.