Pulis, Inireklamo ng Hulidap

RIZAL – NAHAHARAP NGA-YON sa masusing imbestigasyon ang isang pulis at mga kasamahan nito na pawang nakatalaga sa Rizal Police Provincial Office matapos na ireklamo ng isang negosyante na kanilang pinasok sa hinalang nagbebenta ng droga sa bayan ng San Mateo .

Ayon kay Rizal PNP director P/Sr.Supt. Manuel Prieto, inatasan na niya si P/Supt. Cesar Lico para magsagawa ng imbestigasyon at sakaling mapatunayan ay sampahan ng kaukulang kaso si PO3 Luis Jomok at mga kasama na nakatalaga sa Intellegence Division ng Rizal PNP.

Ang mga suspek ay inireklamo ng pamilya ni Samuel Pontalba, isang negosyante na sangkot sa gravel hauling at residente ng #37 Pag-asa Compd., Brgy. Ampid, San Mateo.

Base sa reklamo, dakong alas-9:00 ng gabi noong January 6, 2011 nang pasukin ng mga pulis ang kanilang bahay kaugnay ng isang drug operation.

Agad umanong tinutukan ng baril ang mag-anak kabilang ang kanilang tatlong anak na mga edad 15, 13 at 9 bago hinalughog ang kabahayan kung saan ay kinuha ang apat na cellphones at P16,000 cash.

Bagama’t walang nakuhang droga, isinama ang mag-asawa sa Rizal PNP detention cell at ikinulong ng dalawang araw bago pinalabas matapos na makapagbigay ng halagang P176,000 bilang areglo.

Maliban sa pagnanakaw, pinaghihipuan din umano ng nasabing pulis si Cristina, asawa ng nagreklamo sa maseselang parte ng katawan nito.

Ang suspek ay nakilala ng complainant sa photo gallery ng Rizal PNP.

Ayon kay Sr. Supt. Prieto, bagama’t hindi nagpakuha ng statement ang mga complainant sa kanilang tanggapan sa takot na magkaroon ng whitewash ay itutuloy pa rin ang imbestigasyon sa mga suspek.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.