Pulis, inatake habang naka-duty; patay

NATAGPUANG PATAY ANG isang pulis matapos itong atakihin sa puso sa lungsod ng Dagupan sa Pangasinan.

Nakilala ang nasabing alagad ng batas na si PO3 Henaro Gonzales, 53, ng Police Community Precinct 6 at residente ng Barangay Binloc sa nabanggit na lungsod.

Batay sa pagsisiyasat ng mga kinauukulan, nalaman nila ang insidente matapos may mag-report sa kanilang presinto ngunit walang tao sa presinto at nakasara ang pinto.

Agad nagtungo ang mga kasamahang pulis ng biktima sa likurang bahagi ng presinto ngunit nagulantang ang mga ito nang makita si Gonzales na nakahandusay at wala nang buhay.

Lumalabas na inatake sa puso ang biktima habang ito ay naka-duty.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.