Pulis, Hinuli sa Pagsusuot ng T-shirt na May Tatak na ‘Pulis’

DINALA SA presinto ang isang pulis at kasama nito nang mamataan ng mga kabaro na nakasuot ng T-shirt na may tatak na “Pulis” na pinagbabawal nang isuot ng kapulisan sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Sa ulat, ala-1:45 ng hapon ng mapansin ng Mobile Unit ang Toyota Revo na may plakang (XLY-774) sakay sina PO2 Noel Aducal at dating miyembro ng SAF na si Erwin Lorenzo sa lugar ng Sangandaan, Caloocan kung kaya kanilang sinita ang aktibong pulis dahil nakasuot ito ng unipormeng “Pulis” na ipinagbabawal gamitin ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) director general Leonardo Espina na suotin.

Nakumpiska kay Aducal ang service firearm nito na .9mm habang .9mm din na replica ang nakuha kay Lorenzo. Samut-saring damit ng security guard na nakapangalan sa isang

Ocampo ang narekober naman sa sasakyan ng dalawa,  tear gas, combat shoes, at iba pang gamit pang sekyu.

Ayon kay Lorenzo, ibinigay raw sa kanila ni Ocampo ang naturang damit dahil ayaw na umano nitong magtrabaho bilang security guard at uuwi na ito ng kanilang probinsya.

Napatunayan namang totoong  kawani ng pulis si Aducal nang i-verify ng mga tauhan ni Chief Insp. Rodrigo Soriano hepe ng Investigation ng Caloocan Police sa Camp Crame –Logistics Division.

Ayon pa kay Aducal, hindi umano nito alam ang naging direktiba ni Espina at nagmamadali umano sila sa kanilang pupuntahan dahil maniningil umano ito ng pautang nang masita ng mga nagpapatrolyang pulis.

Gayunpaman, hindi naman ligtas sa asunto si Aducal at posibleng maharap sa kasong administratibo dahil sa pagususot ng bawal na damit, gayundin ang kanyang kasamahan na si Lorenzo na nahulihan ng replica ng 9mm.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.