Pulis, hinataw ng armalite ang sariling misis

HINDI NA mahanap ng mga kinauukulan ang isang pulis makaraang bugbugin ang kanyang sariling misis sa Albay.

Kinilala ang salarin na si SPO1 Joseph Zuñiga ng Barangay 19 Cabangan, Legazpi City at nakadestino sa Police Security & Protection Office sa Camp Crame.

Base sa report ng mga awtoridad, bandang alas-10 ng gabi noong Lunes nang magtungo sa himpilan ng Legazpi City PNP ang hindi na pinanga-lanang misis matapos na ito ay paghahampasin at hatawin umano ng kanyang asawa gamit ang sarili nitong armalite matapos na magkainitan.

Sinubukan namang kausapin at imbitahan ng mga pulis si SPO1 Zuñiga, subalit tumanggi at nagmatigas ang suspek.

Sa ngayon, hindi na mahagilap ang nasabing pulis na napag-alamang palipat-lipat din ng tirahan. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.