Pulis, binoga ang sarili sa halip na ang kawatan

NATAGPUANG MALAMIG na bangkay ang isang pulis na pinaniniwalaang aksidenteng tinamaan ng bala ng sariling baril nang paputukan ang mga magnanakaw sa kanyang bahay.

Ang biktima ay kinilalang si SPO1 Fernando De Vera, residente ng Brgy. Alijis, Bacolod City at naka-assign sa PNP Crime Laboratory ng Negros Occidental Police Provincial Office.

Ayon kay Bacolod City Police Office director S/Supt. Ricardo dela Paz, batay sa pahayag ng misis ng biktima, nakarinig

umano sila ng sunud-sunod na putok sa hating-gabi at kinaumagahan ay natagpuan na lamang ang biktima na patay na sa kanilang kubo.

Napag-alamang sa kubo na nasa loob din ng kanilang compound natulog ang pulis kagabi upang magbantay sa kanilang mga alagang baboy at panabong na manok.

Ito’y dahil noong mga nakalipas na gabi ay tinangkang nakawin ang kanilang mga alagang hayop.

Noong nakaraang ga-bi, pinaniniwalaan na may mga magnanakaw na tumangkang pumasok sa kanilang compound na siyang pinaputukan ng biktima ngunit aksiden-teng sarili ang natamaan, batay sa inisyal na im-bestigasyon ng pulisya sa crime scene.

Si De Vera ay nagtamo ng sugat sa bunganga na naging dahilan ng kanyang agarang pagkakasawi.

Isinailalim sa paraffin test ang biktima at ballistic examination ang kanyang 9mm pistol.

(E.CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.