Pulis at sundalo, dagsa sa holy week

NAGPAALALA ANG Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa publiko na huwag magtaka at mangamba sakaling dumagsa ang kani-lang mga tauhan sa iba’t ibang istratehikong lugar sa Metro Manila at mga probinsya.

Ito ay bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa seguridad kaugnay sa paggunita ng Semana Santa.

Ayon kay PNP Chief, Dir. Gen. Nicanor Bartolome, sisiguraduhin nila ang seguridad ng mga aalis ng Metro Manila papuntang lalawigan at mga magpupunta sa mga lugar-bakasyunan.

Partikular umanong babantayan ng mga pulis ang mga terminal bus, daungan ng barko at mga paliparan.

Samantala, maging ang AFP, partikular ang National Capital Region Command (NCRCom) ay nakaalerto na rin kaugnay sa paggunita ng Semana Santa.

Sinabi ni AFP Chief of Staff Jesse Dellosa, handa nilang bigyan ng suporta ang PNP sa pagbibigay-seguridad sa mga bibiyahe palabas ng Manila.

Ayon kay Dellosa, makakatuwang din nila sa nasabing joint peace task force ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Kabilang umano sa tututukan ng AFP ang mga pasilidad ng gob-yerno gayundin sa linya ng komunikasyon, mga terminal at iba pang matataong lugar.

Mananatili umanong nakaalerto ang mga sundalo ngayong Holy Week laban sa mga banta ng karahasan.

Samantala, inanunsiyo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na epektibo ang pagtatanggal ng number coding mula Abril 2 hanggang Abril 9.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.