Pulis at raliyista, nagkapukpukan

NAGKATENSYON SA pagitan ng mga pulis at may 100 militanteng patungo ng US Embassy sa Maynila kahapon.

Nagkatulakan at nagkapukpukan ang magkabilang panig matapos magpumilit ang mga militanteng makalusot sa ginawang barikada ng mga pulis sa daan patu-ngong US Embassy.

Bitbit ang mga placard na humihiling na patalsikin ang US troops sa bansa, nakipagbunuan pa ang mga militante sa Civil Disturbance units sa may Kalaw Street, tapat mismo ng National Library.

Sinabi ni Renato Reyes, tagapagsalita ng Bayan Muna na imbes ipagdiwang nila ang Araw ng Kalayaan ay isusulong nila ang tunay na diwa ng pagiging malaya sa pamamagitan ng pagpapaalis sa mga dayuhang militar.

Matapos magtipon sa Chino Roces Street, binagtas ng mga militante kabilang ang mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno (KMU), Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Anakpawis at mga magsasaka mula Northern Luzon at Southern Tagalog ang kahabaan ng Legarda paakyat ng Ayala Bridge at patungo na sana ng US Embassy.

Samantala, nagdulot naman ng pagbigat ng trapiko ang nasabing kilos-protesta.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.