Pulis at drug pusher, patay sa shootout

PATAY ANG ISANG pulis at ang aarestuhin nitong drug pusher nang magpalitan ng putok sa San Carlos City, Pangasinan, kamakalawa.

Kinilala ang mga ito na sina PO2 Joel Resuello, miyembro ng San Carlos City Police at ang drug pusher na si Joel Malicdem.

Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Agrimero Cruz Jr., kasama ng pulis ang isang poseur buyer na si Gerry Reyes na nakipagtransaksyon kay Malicdem.

Gayunman, habang nasa kalagitnaan ng transaksyon sa loob ng isang Starex van, hinugot ni Malicdem ang kanyang baril at pinaputukan si Resuello.

Bagama’t sugatan, nagawang makaganti ng putok si Resuello na dahilan ng agarang pagkamatay ni Malicdem.

Nakuha sa sasakyan ang isang kalibre 9mm, dalawang spent shells nito, isang kalibre .45 at wallet ni Malicdem na may dalawang sachets ng Shabu.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.