Pulis at Brgy. Chairman, Dedo sa Duwelo sa Loob ng Kapitolyo

VIGAN CITY, ILOCOS Sur – Patay ang isang chairman ng barangay at isang pulis matapos na magbarilan ang mga ito sa loob mismo ng provincial capitol noong Lunes ng tanghali.

Kinilala ni P/Senior Supt. Eduardo Dopale ang mga nasawi na sina Willie Terrago, chairman ng Bgy. Daclapan, Cabugao; at SPO1 Rommel Rebuldela, miyembro ng Ilocos Sur-PNP.

Sinasabing kapwa may dati nang kinikimkim na galit sa isa’t isa sina Terrago at Rebuldela kaya nang aksidenteng magtagpo ang landas nila, hindi na nakapagpigil ang bawat isa at dito na nagbunutan ng baril at nag-duwelo.

Kapwa nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ang dalawa na naging sanhi ng agad nilang kamatayan.

Sugatan din sa naturang barilan ang isang kawani ng Vigan City Hall na si Anabel Tabaniag matapos na tamaan ng ligaw na bala. Kasalukuyan itong nagpapagaling sa isang ospital.

Tinutugis naman ng pulisya ang escort ni Chairman Terrago na agad na tumakas matapos ang insidente bitbit ang isang M-16 armalite rifle na diumano kasali ring nakipagbarilan kay SPO1 Rebuldela.

(ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.