Pulis at Abogado, Todas sa Riding-In-Tandem

DEAD ON the spot ang isang abogado at kliyente nitong pulis makaraang tambangan ng riding-in tandem sa kahabaan ng MacArthur Highway sakop ng Brgy.Tikay, Malolos City kamakalawa ng umaga.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Dave Poklay kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga nasawing biktima na sina Atty. Lysandro Sanchez, nasa hustong gulang; at PO2 Ronnel Coquia Y Fulgar, 40 anyos, nakatalaga sa Sampaloc Police Station.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ni P/Chief Inspector Ma. Amelita Mendoza ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), dakong alas- 10 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa mga biktima habang lulan ng kotse na may plakang PPE-401 sa nabanggit na lugar.

Sa inisyal na report ng SOCO, tatlong tama ng bala mula sa caliber .40 ang bumaon sa mukha at sentido ni PO2 Coquia,habang tumagos naman ang bala sa kanang bahagi ng braso ni Atty. Sanchez.

Nabatid na dumalo sa hearing sa Branch-78 sa sala ni Judge Gregorio Sampaga si Atty. Sanchez kasama ang kanyang kliyente na si PO2 Coquia, kung saan dinidinig ang kasong may kaugnayan sa Republic Act 6539 o Hi-Way Robbery na kinasasangkutan ng isang Borinio Socito, Jr. at 6 na John Does.

Ayon naman sa ilang mga residente sa lugar, lulan ng motorsiklo na walang plaka ang bumaril sa mga biktima, kung saan malapitan itong pinaputukan ng riding-in-tandem. (TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.