Pulis, Arestado sa Rape

INARESTO ANG isang pulis sa kasong rape sa isla ng Calayan, Cagayan.

Pinangalanan ang suspek na si PO2 Danilo Makiraya, may asawa, ng Regional Headquarters Support Group ng PNP Region II at nakaditine sa Brgy. Centro 2, Calayan Island.

Sa bisa ng arrest warrant na inihain ni Judge Conrado Tabako ng RTC sa bayan ng Aparri, inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) si Makiraya sa kasong rape.

Pinabulaanan ng suspek ang reklamo dahil kasintahan diumano niya ang babaeng nagreklamo. Nagulat umano siya nang kasuhan siya nito. Humihingi pa umano ang babae ng malaking halaga ngunit hindi niya mabigay dahil may pamilya siyang sinusuportahan.

Sa ngayon, walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.