Pulandit: Gen. Bangit, Gen. Verzosa… alis d’yan!

KUNG TALAGANG GUSTONG hirangin ni Noynoy bilang kalihim si Boy Abunda, huwag na lamang sa Tourism department.
Upang magkaroon ng continuity of programs, gawin na lamang Justice secretary si Boy Abunda para hindi mabalam ang pagbibigay ng katarungan at free legal assistance sa mga mahihirap.
Hindi mahihirapan si Abunda na ituloy ang programang Justice on Wheels dahil papalitan lamang niya ng pangalan ang ginagamit na sasakyan.
Ang bagong Justice on Wheels ay tatawagin nang “The Buzz!”

NAPAPABALITANG SI JUN Simon na dating QC Mayor ang magiging DILG secretary. Paano na ang isa pang contender sa posisyon ni Atty. Coco Pimentel?
Congratulations pala sa amigo nating Abante Columnist na si Rey Marfil dahil matunog ang usapan na in the bag na para sa kanya ang pagiging Assistant Press Secretary.
Hoy, Mr. Asec Marfil, bata mo ko!
Isang tagay para sa iyong tagumpay!

MATAPOS KUWESTIYUNIN ANG mga resulta ng survey, inihahain na ni Dick Gordon ang kanyang sarili kay Noynoy bilang posibleng Chairman ulit ng SBMA at Tourism secretary.
Hindi masyadong halata, gustong makabalik ni Dick sa mga dati niyang puwesto.
Ang problema, Boss Dick, magpapa-survey daw muna si Noynoy sa Subic at sa DOT para malaman kung gusto ka pa ng mga tao ro’n na makabalik.

ISA SA DAPAT makatulong sa Aquino administration ay si dating Senador Robert Jaworski.
Kung ikukumpara sa maraming nagpepresinta ng kanilang sarili, si Jawo ay isang low-key personality pero maraming nagawa para sa bayan.
Marami ang hindi nakaaalam na si Jawo ang main author ng Clean Air Act at Clean Water Act na inaangkin ng kilala n’yong senadorang nagpapakilalang makakalikasan.
Ang E-Procurement Law ay isa rin sa pinakamalaking achievement ni Jawo noong senador kaya lamang masyadong tahimik ang mama.

KASINGKAPAL NA LAMANG ng kanyang estrelya sa balikat ang mukha ni Gen. Bangit kung hindi siya magre-resign bilang AFP Chief of Staff.
Na-bypass na siya ng Commission Appointments kaya wala nang bisa ang kanyang posisyon.
Gen. Bangit, huwag kang gumaya kay Gen. Verzosa na nakaiisip pa ng kung anu-anong gimik para lamang hindi masibak sa posisyon.
Palibhasa’y liyamadista, nagpaputok si Verzosa ng kunwaring pagpalag kay GMA nang maramdamang si Noynoy na ang bumabandera sa karera.
Takot din namang magutom si Heneral!

PANALO NA SI Manila Mayor Alfredo Lim sa Maynila.
Tigilan naman na sana niya ang pamumulitika dahil hindi tayo naniniwalang lehitimo ang pagpapagiba niya sa mga barangay hall na kung tawagin niya ngayon ay obstructions.
Ilang taon nang alkalde si Lim kaya imposibleng hindi niya alam na matagal nang sagabal sa kalsada ang maraming barangay hall.
Kung totohanan ang kanyang kampanya laban sa mga obstructions sa Maynila, dapat ay lahatin niya, mula sa vendors, illegal terminals hanggang sa mga structures na illegal na nakatayo ay ipagiba niya na.
Demokratikong bansa tayo, kung kay Atienza man sumuporta ang ilang barangy officials, huwag niyang personalin para mas maganda ang daloy ng kanyang pamamahala.

allanpunglo@yahoo.com

Pulandit
Allan Encarnacion

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.