Pulandit: Ang malaking pagbabago ay magsisimula sa maliit

SA MALIIT NA pagbabago magsisimula ang mas malaking inaasahan para sa bayan.
Ang kampanya laban sa wangwang ay isa sa mga maliliit subalit napakahalagang misyon na magbibigay ng tamang direksiyon sa bagong gobyerno.
Isa mga gusto pa nating mapansin ni Noynoy ay ang sinasabi niyang “dadalhin ko sa tamang daan.”
Petty pero importanteng maisama sa kanyang kampanya ang pagkaroon ng mga street signs sa lahat ng panig ng bansa.
Dito lamang niya tayo madadala sa tamang daan na siguradong hindi natin pare-parehong ikaliligaw.
Sa bayang ito, maraming lider ang pabaya. Gustung-gusto nilang mailuklok sa puwesto pero kapag nakaupo na, walang ginagawa kundi ang macro-manage sa mga proyektong puwedeng pagkakitaan.
Marahil ay naranasan n’yo nang malito o kaya’y maligaw sa maraming lugar sa Metro Manila dahil lamang sa kawalan ng street signs.
Sa mga lugar sa maraming bansa, lalo na sa mga napuntahan ko na, kahit na sa mga kasuluk-sulukan ay makakakita ka ng readable street signs.
Halimbawa’y sa Amerika or sa Hong Kong. Kapag hindi mo kabisado ang lugar, puwede kang gumamit ng GPS sa kotse o iyong tinatawag na Global Positioning Satellite.
Electronic map ito na puwedeng handheld at puwede rin namang built-in sa mga kotse.
Bago ka umalis, piliin mo lang ang lugar na pupuntahan mo, igagabay ka na ng aparato.
Kung hindi mo naman afford ang GPS, puwede kang mag-print sa internet ng directional map na may mga accurate streets signs.
Dito sa atin, marami nang kompanya ang nag-alok ng GPS sa mga lokalidad, pero hindi nagtatagumpay dahil nga sa kawalan ng tamang sistema ng street signages.
Kahit ma-print mo ang nasa Google earth na mapa, maliligaw ka pa rin dahil sa mga actual na lugar na iyong madadaanan, wala kang makitang signages.
Kahit sa Hong Kong at Singapore, pinamakaliit na eskinita, makikita mo kung nasaang street ka na. Kung maligaw ka, puwede mong tandaan ang lugar na iyong kinaligawan dahil sa linaw ng mga street para roon ka magpasundo sa mga kasamahan mo.

Isa pang dapat mabago rito ay ang sobrang liit at maraming malabong mga traffic lights.
Maraming pagkakataon ay nagugulat ang mga motorista dahil may mga traffic lights na halos kasing laki lang ng Christmas lights.
Safety ang numero unong dapat ikunsidera para sa madaling panahon ay iutos ni Noynoy o ng mga bagong  opisyal ang mabilis na pagbabago sa mga sistemang ito.
Sobra-sobra ang anim na taon para maipatupad ang maliit subalit importanteng pagbabagong ito.
Naniniwala akong ang malaking pagbabago ay magsisimula sa mga maliliit na bagay na madalas ay hindi natin pinapansin.

allanpunglo@yahoo.com

Pulandit
Allan Encarnacion

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.