Puganteng Tulak sa Cam Sur, Na-Inquest Na

PANIBAGONG KASO ang kinakaharap ng puganteng pusher sa Camarines Sur dahil sa mu-ling pagtatago ng Shabu nang muling maaresto matapos ang halos isang buwang pagtatago sa mga alagad ng batas.

Ayon kay Agent Vidal Bacolod ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sinabi nitong isinailalim na sa inquest proceedings si Kristoffer Palomares dahil sa panibagong kaso ng paglabag sa Republic Act 9165.

Nakumpiska sa posisyon ng salarin ang .45 grams ng Shabu na nakalagay sa sachet nang dakpin ito habang nakikipag-inuman sa labas ng bahay nito sa bayan ng Calabanga.

Pinabulaanan naman ni Bacolod ang akusasyon ni Palomares na sinasabing binugbog siya ng mga miyembro ng PDEA.

Ayon dito, nanlaban ang suspek at pinilit pang tumakas kaya’t napilitan silang saktan ito.

Samantala, nananatili sa regional office ng PDEA si Palomares at mas hinigpitan ang pagbabantay dahil iniiwasan nilang muling makatakas ito.

Si Palomares ay kasamang tumakas ni Kagawad Allan Salaver nang mahuli sa isang buy bust operation sa isang apartelle sa Naga City.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.