Pugante ng Cagayan Province, Nadakip

NADAKIP NG Caloocan City Police ang isa sa limang  pugante na nakatakas noong Disyembre 11, 2011 sa Cagayan Province matapos masakote sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Senior Supt. Jude Santos, hepe ng Caloocan City Police ang pugante na si Romeo Tasi, 29, tubong-Cagayan at nanunuluyan sa Tampoy 2, Marulas, Valenzuela City.

Nabatid na nadakip si Tasi noong Agosto 21, 2011 na may kasong Robbery-in-Band hanggang sa makatakas kasama ang pinsan na si Christopher Tasi; Romer Romero; Jainang Cai at Vincent Badajos sa Cagayan Provincial Jail noong Disyembre 11, 2011.

Nakatanggap ng impormasyon ang Caloocan City Police na sa Valenzuela City nagtatago si Tasi na naging dahilan upang manmanan at nang makita sa Marulas ay agad na dinakip alas-4:30 ng hapon.

Si Christopher Tasi ay naunang nadakip noong Disyembre 28, 2011 sa Arayat, Pampanga habang pinaghahanap pa sina Romero; Cai at Badajos.

Nabatid na may reward na P200,000 nakalaan sa makakadakip o makakapagbigay alam sa kinaroroonan sa mga pugante.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.