Pugante, natunton sa Facebook

NAARESTO ANG isang pugante na kinilalang si Joey Del Monte, 37, at residente ng Lapinig, Northern Samar matapos nang malaman ng mga kinauukulan ang tinitirhan nito sa pamamagitan ng social networking site na Facebook.

Batay sa ulat, natunton ng mga awtoridad si Del Monte habang nanananghalian ito sa kanilang tahanan sa kanilang lugar.

Sinabi ni P/Supt. Isaias Tonog, provincial director ng Northern Samar, na hinanap niya ang suspek sa Facebook at laking gulat niya nang makita na updated pa ang account ni Del Monte, kung saan may hawak pa itong armas na KJ 9mm machine pistol sa profile picture nito.

Kaagad naman nilang binantayan ang mga aktibidad ng nasabing pugante na pansamantalang naninirahan sa Brgy. 185, Malaria, Caloocan City.

Samantala, napag-alaman din nilang madalas itong umuwi sa bayan ng Lapinig tuwing may okasyon na naging dahilan para mahuli nila ito.

Una rito, pinangunahan ni Del Monte noong nakaraang 2010 ang pagtakas sa sub-provincial jail sa Baybay City kasama ang walo pang mga bilanggo.

Si Del Monte ay may kasong Murder sa Leyte Regional Trial Court Branch 14 dahil sa pagpatay nito sa isang lalaki habang nag-iinuman noong 2000.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.