Publiko, pinapayuhang ‘wag agad maniwala sa terror threats

PINAYUHAN NG Palasyo ang publiko na huwag agad-agad maniwala sa mga naglalabasang terror threat o banta sa seguridad.

Ito ang ipinahayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigal Valte hinggil sa ulat na nasa Metro Manila na umano ang ilang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) para magsagawa ng isang “test mission.”

Kaugnay naman ng serye ng mga pambobomba sa Min-danao, siniguro nitong gumu-gulong na ang pagsisiyasat para mahuli ang mga responsable.

Kamakailan lang, apat ang nasawi kanilang ang isang sibilyan matapos umatake sa Maguindanao ang BIFF.

Samantala, tumiwalag ang BIFF sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos tutulan ang kasunduang pangkapayapaan sa pamahalaan.

“Mayroon na po silang mga imbestigasyon na ginagawa po doon para makita naman ho kung sino ‘yung responsable para ho doon sa pagsabog,” ani Valte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.