Publiko, nabastusan kay Alex Gonzaga: Luis Manzano, may disenteng sagot sa isyu!

Luis Manzano and Alex Gonzaga

MADAMI ang nag-react sa pakwela nitong si Alex Gonzaga kay Luis Manzano sa sinasabing “biro” niya sa kaibigan. Ang birong tanong nito sa magaling na celebrity host ay kung magkano ang ibinayad niyo sa award na natanggap as “Darling of the Press” ng PMPC Star Awards 2017 last Sunday na with Luis’ wit at pagiging smart ay pabirong sagot naman nito na: “180”, pertaining to P180.

 
Para sa nakararami, it was uncalled. It was rude na para sa akin, don’t make it as joke na sa harap ng maraming tao watching the live presentation of the 33rd PMPC Awards for Movies na ginawa sa Resorts World Manila. There are things na dapat wasto ang sinasabi mo at ginagalaw sa harap ng publiko
 
Hindi naman siguro tomaan (read: inuman) sa kalye ang scenario para magbitaw ng ganun si Alex na para sa mga audience na nanood ng live sa presentation, iisipin nila na may “bayaran na naganap sa PMPC.
 
Sa isang messenger chat conversation namin kay Luis this afternoon when asked about his reaction sa joke ni Alex na para sa mga netizen ay isang kabastusan at wala sa lugar at tamang okasyon, may sagot ang celebrity host sa isyu na viral ngayon sa internet.
 
“Sobrang brutal lang talaga kami magbiro ni Alex, but I do understand other people’s sentiments naman. We know naman nothing was meant by it ,” reply niya sa tanong namin.
 
Even our co-writer Nitz Miralles wrote in her column that it was in bad taste.
 

Luis Manzano

Dagdag pa ni Luis to clear the isyu: “Sa akin ok lang since i know paano kami magbiruan. it gets even worse,” pagtatapos niya.

 
May bayaran man or wala, long-overdue na kay Luis ang pagiging “Darling of the Press”.
 
Just like his dad Edu Manzano, ang PR niya sa press ay over-flowing ayon sa kuwento sa amin ng ilang members ng PMPC.
 
Sa ngayon, Luis is preparing for a new show on Kapamilya Network na “I Can See Your Voice” very soon.
 
At kumusta naman sila ng girlfriend na si Jessy Mendiola na tila tahimik mula sa intriga ang mundo nilang dalawa?  
 
Sagot ng binata: ”Tahimik is always good,” pagwawakas ni Luis sa short chat namin.
 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.