Publiko, mag-ingat sa pekeng pulis

PINAG-IINGAT NG pamunuan ng pambansang pulisya ang publiko kaugnay sa modus operandi ng mga nagpapanggap na pulis partikular ngayong holiday season.

Sinabi ni PNP PIO chief S/Supt. Reuben Theodore Sindac na may mga ulat silang natanggap kaugnay sa ilang mga personalidad na nagpapanggap na kasapi ng PNP at nagsasagawa ng solicitation sa iba’t-ibang establisimyento.

Maliban sa ginagawang solicitation, ilan dito ay sinasaamantala ang Oplan Katok ng PNP kung saan nagtutungo ang mga ito sa mga kabahayan at sinasabi sa mga may-ari ng bahay na mayroon itong kasong kinakaharap.

Iginiit ni Sindac na walang transaksyon na ginagawa ang PNP sa mga kabahayan.

Payo pa ng PNP sa publiko na huwag matakot at agad ipagbigay alam sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya.

Nakalatag na rin ang ipapatupad na seguridad ng PNP ngayong holiday season kung saan ipapatupad nito ang maximum deployment ng kanilang mga personnel.

Tiniyak ng pambasang pulisya na may sapat na police visibility sa mga commercial establishments, simbahan, airport, seaport, bus terminals at mga pampublikong lugar upang ito’y hindi samantalahin ng mga teroristang grupo at mga masasamang elemento.

Bahagi rin sa security measures na ipapatupad ng PNP ay ang pagtalaga ng mga assistance desk sa mga pampublikong lugar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.