Publiko, Alerto Kontra Jamming Devices

NANINIWALA ANG Palasyo na malaking tulong ang joint press conference ng DILG at Comelec hinggil sa cellphone signal jammers.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, naging aware na ngayon ang mamamayan hinggil sa nasabing mga gamit na maaring makaantala sa halalan sa May 13.

Sinabi ni Valte na alerto na ang taongbayan para magmanman sa paligid laban sa mga kataong nagnanais isabotahe ang transmission ng election results.

Samantalam, matapos ang naturang press conference ng DILG at Comelec, nagkaroon ng mga raid sa mga tindahang nagbebenta ng jamming devices ng walang kaukulang permiso.

“Alam mo mabuti ‘yung ano…Mabuti ‘yung ginawang press conference, jointly ng COMELEC and DILG. The coverage that is generated put the citizenry on alert na meron pong mga ganitong bagay at meron pong baka meron pong mga grupo na susubuking gamitin itong mga device na ito para maantala ho ‘yung pag-transmit ng resulta ng eleksyon. And now everybody is aware and everybody is on the lookout for these devices. So ano ho ‘yan — alam nyo ang lahat po ng kampanya ang kakampi po talaga ng pamahalaan ay iyong ating mga kababayan,” ani Valte.

  (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.