Publication, ninakawan

LUCENA CITY – HINDI lang ang bagyong Bebeng nanalasa sa lunsod na ito kundi maging ang mga kawatan nang looban ang tanggapan ng “Ang Dyaryo Natin” sa Barangay 5.

Ayon kay Juanito Gani, may-ari ng publication at residente ng Brgy. Mateuna, Tayabas, Quezon, alas-7:30 ng umaga noong Lunes nang madiskubre ni Dante delos Santos, 33 anyos at construction worker ang panloloob sa nasabing tanggapan.

Sa pagsisiyasat, sinira ng mga kawatan ang rehas na pintuhan kaya nakapasok ang mga ito.

Kabilang sa nawala ay ang isang unit ng CPU na may web camera, isang unit ng HP Laser jet printer at wallet ni Delos Santos.

Ang nasabing tanggapan ay under renovation, kung saan pansamantalang tumutuloy si Delos Santos subalit kapag Sabado at Linggo ay walang tao sa nasabing opisina.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.