Public Schools sa Navotas, tiniyak na may mga CR

TINIYAK KAHAPON NI Mayor John Rey Tiangco na may mga comfort room ang mga public schools sa Navotas City, upang magamit ng mga mag-aaral sa pagbubukas ng klase ngayong araw.

Ayon kay Tiangco, ito ang kanyang direktiba sa Engineering Office na tiyaking may CR ang mga paaralan sa elementary at high school.

Nauna na ngang iniulat ng Department of Education (Dep Ed) na may mga pampublikong paaralan sa Metro Manila at probinsiya na walang banyo na ginagamit ang mga estudyante.

Sa kasalukuyan, may 15 public elementary school ang Navotas at anim dito ang public high schools na pinakikinabangan ngayon ng mga residente sa 14 na barangay ng lungsod.

Magagamit na rin ngayong Lunes ang bagong gawang two-storey building na Navotas High School na nakabase sa Barangay Sepac Almacen.

“Importante sa mga bata ang may banyo at para na rin sa kanilang kalusugan,” pagtatapos ni Tiangco.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.