Public Info Drive Kontra Sakit sa Tag-init, Pinasimulan na ng Navotas

SINIMULAN NG Navotas City Health Department ang pagbibigay ng kaalaman at mga impormasyon sa publiko upang makaiwas sa paglaganap ng common diseases sa tag-init tulad ng measles, sore eyes, heat stroke and diarrhea.

Ipinag-utos din ni Mayor John Rey Tiangco sa city health office na siguruhin na bigyan ng health advisory ang publiko laban sa mga nasabing sakit sa 14 barangay health centers.

Ayon kay Tiangco, na sabihan ang publiko na uminon ng maraming tubig para makaiwas sa dehydration at laging magsabon ng kamay gamit ang sabon at tubig para makaiwas sa sore eyes.

Idinagdag pa ng alkalde, laging sabihan ng mga magulang ang kanilang mga anak na huwag kusutin ang kanilang mga mata.

Aniya, para makaiwas naman ang publiko sa sakit na diarrhea, laging mag-observe ng basic hygiene.

“Likewise, people should consider including exercise in their schedule to strengthen the immune system, which is a potent weapon against different kind of diseases,” sabi pa ni Tiangco.

“I always believe that prevention is more important than cure. We can easily avoid those diseases if we are aware of the causes and effects and at the same time share those information’s to other people.  Together, we can easily achieve our goal of a healthy environment this summer,” pagtatapos ni Tiangco. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.