Public Hearing sa Fare Matrix ng mga School Service, Ikinakasa na ng LTFRB

IKINAKASA NA ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang public hearing ngayong buwan para sa fare matrix ng mga school service.

Sinabi ni LTFRB Executive Director Atty. Roberto Cabrera III na sisimulan nila ang pagdinig kapag natapos na ang kanilang “Oplan Balik-Eskwela” sa Hunyo 19.

Nakikipag-ugnayan na rin anya sila sa mga operator ng school service at iba pang stakeholders para sa pagdinig.

Aminado ang LTFRB na may mga pag-alma na mula sa ilang school service operator sa planong fare matrix pero giit ni Cabrera, panahon na para mawala ang mga mapagsamantalang operators.

Samantala, sa monitoring ng ahensya, naglalaro ang singilan sa school service sa P800 hanggang P7,000 depende sa ruta papasok sa paaralan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.