Public Docu, Pinasisimple

ISINUSULONG NI Sen. Grace Poe-Lalmanzares ang ilang pagbabago sa mga opisyal na dokumento ng ating bansa.

Sinabi ng senadora na layunin ng kaniyang panukala na gawing simple ang mga pananalitang ginagamit sa mga papeles at iba pang pampublikong dokumento.

Paliwanag pa ng mambabatas, mas magiging madali para sa mga karaniwang mamamayan na maunawaan ang kanilang mga transaksyon, kasunduan at obligasyon kung sila mismo ay kaya itong mabasa at maipaliwanag sa iba kahit walang patnubay ng mga abogado o mga eksperto sa mga dokumento.

Samantala, makakaiwas din umano sa mga panloloko kung higit na naiintindihan ng lahat ang kanilang mga karapatan at tungkulin sa mga pinipirmahang papeles at dokumento.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.