PST, Ina-apply sa DOST NCR

KASAMA SA mandato ng kagawaran ng agham ay ang pagse set ng tamang oras na gagamitin ng bansa. Kamakailan ay inilunsad ang Philippine Standard Time (PST) na may nickname na ‘Juan Time na layong baguhin ang sinabing pagkaatrasado ng Pinoy sa oras o ‘yung tinatawag na Filipino time.

Pinangunahan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA noong nakaraang taon at kanilang ginagamit ito. ngunit aminado rin sila na hindi lahat ng tao ay nakasusunod, tuloy ‘di pa rin pare-pareho ang oras.

Sa tanggapan ng Department of Science and Technology – National Capital Region DOST-NCR ,makikita ang isang orasang nagtatakda ng PST na kaisa-isa lang sa buong DOST compound.

Ang DOST-NCR ay tanggapangpang pinangungunahan ni Dr. Tess Fortuna bilang Executive Director. Mahalaga ang oras dahil ‘di na ito maibabalik makaraang lumagpas at ito ang pamantayan sa mga ginagawa nating transaksyon. Kung mali at ‘di magkakatulad ang ating mga orasan, ‘di rin maayos na makasusulong ang ating bayan.

(Mj Balaguer)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.