PSF, Ina-Audit Din ng COA

TINIYAK NG Palasyo na dumadaan din sa Commission on Audit ang President’s Social Fund (PSF). Ito ay sa gitna ng isyu tungkol sa pork barrel ng mga mambabatas,.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na walang pork barrel ang Pangulong Aquino at sa halip ay mayroon itong PSF na binubisisi din ng COA.

Binanggit ni Valte na lahat ng pinagkagastusan ng PSF ng Pangulo ay maaring makita online base na rin sa ulat ng COA.

Ayon pa kay Valte, ang PSF ay kalimitang ibinibigay ng Pangulo bilang special financial assistance para sa Armed Forces of the Philippines at sa Philippine National Police combat casualties.

Kinukuha rin umano ng Pangulo sa naturang pondo ang tulong na

ibinibigay sa mga biktima ng kalamidad.

Kaya umano madalas na nababanggit ang “from the President’s Social Fund” kapag may tinutulungan ang Punong Ehekutibo.

Samantala, normal naman din aniya ang pagbibigay ng tulong ng Pangulong Aquino sa mga anak ng mga sundalo o pulis na nasasawi sa aksiyon lalo sa pag-aaral ng mga ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.