Prov’l Board Member, Sugatan; Driver Utas Sa Tambang

PATAY ANG driver habang sugatan naman ang isang Provincial Board Member ng Laguna makaraang pagbabarilin kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Sr. Supt. Gilbert Cruz, Laguna Provincial Director ng PNP, kinilala ang napaslang na si Giovanni Dumaraos, 44-anyos, ng Paseo De Escudero St., Brgy. IV-C, San Pablo City, driver/bodyguard ng sugatang si Board Member Reynaldo Paras ng 3rd District of Laguna at residente ng San Pablo City.

Habang nasa kritikal na kalagayan naman ang suspek na kinilalang si Eugene Bacoto, 25-taong gulang, ng Blk. C3 L4 San Luis I, Dasmariñas, Cavite.

Alas-8:20 ng gabi kamakalawa nang tamba-ngan ang opisyal at driver sa harapan ng drugstore na pag-aari ni BM Paras.

Gayunman, nakaganti ng putok si Paras kaya tinamaan si Bacoto habang nakatakas ang kasama nito sa bahagi ng Bonifacio St., Brgy. VII-C.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang isang empty shell ng cal. 45 na baril, 1 empty shell ng 357 silver revolver, at isang Magnum 44.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.